Monday, March 15, 2010

Sobrang Lungkot...

Grabeh... hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Lagi kong tinatanong sa sarili ko, nasan ang dating ako? Ang dating masayahin at laging hopeful na tao, ang dating laging looking forward sa hinaharap ng buong sigla at super excited?

Hindi ko maitago na sobrang lungkot ko na kulang na lang eh humagulgol ako dito sa kinalalagyan ko. Feeling ko sobrang nawala ang sigla ng hinaharap kundi para bagang punong puno ng lungkot ng nakaraan?

Alam ko, nasa puso ko ang Poong Maykapal. Pero ang sobrang ipinagtataka ko, grabe talaga ang lungkot na nararamdaman ko. Diyos ko, alam ko may nagawa akong mga kasalanan sa inyo. Patawarin nyo po ako. Gusto kong magalit at mainis sa inyo, pero ginagawa ko ang aking makakaya na wag na todong magalit.

Deep within me Panginoon, ako pa rin ito. Ako pa rin yung nagdarasal at nagmamaka awa, tulungan nyo po ako. hindi ko kayang mag-isa 'to! kailangan ko kayo.